December 5th, 2007
Hinagpis ni Akrasia- Para Saan?
Nais kong lumikha ng baul kung saan maari kong pagyamanin ang aking kakayahan sa pagsasalita ng wikang Filipino. Masasabi kong ito ang kauna-unahan blog na ginawa ko na tatalakay sa aking iklinasyon sa literatura na kung saan ang pangunahing lenggwahe ay ang wika natin.
Matagal na panahon na ang lumipas nung huli akong sumulat ng tula o kahit ng maikling kwento gamit ang Filipino. Marahil tuluyan nang nalamon ng banyagang pananaw ang aking isipan- kahit sa sinusulat kong ito- nahihirapan akong mag isip ng tamang salitang gagamitin.
Ang bukal ng aking hinagpis ay isisiwalat ko sa pamamagitan ng literatura sa wika na marahil kaunti na lamang ang nais gumamit. Inaasahan ko na magiging daan ito upang manumbalik ang aking pagmamahal sa literatura, lalo na ng literaturang Filipino.
humanbuttwipe
:)
manang

the passion to fight for that cause you're fighting for.
susuportahan kita.
but all i can offer is support.
i wont be able to do the same..
well, not quite yet